MANILA, Philippines - Namaga ang tuhod ni Jeson Patrombon upang makaapekto sa kanyang pagkilos tungo sa paglasap ng 6-3, 6-2, pagkatalo kay Marton Fucsovics ng Hungary sa quarterfinals ng Futures 2 sa Eliat, Israel.
Ang kanang tuhod ang naapektuhan kay Patrombon dala na rin ng mahihirap na three sets panalo na kinuha sa huling tatlong laro upang makalikom ng kabuuang 2 ATP points ang 18-anyos tubong Iligan City netter sa torneo.
Dahil dito, nakabinbin ang paglahok ni Patrombon sa third week ng torneo at posible siyang iatras sa qualifying round na magsisimula na sa linggong ito.
Si Marc Reyes na lamang ang babandera sa Pilipinas sa susunod na qualifying event ng torneo.