^

PSN Palaro

Donaire, Orcollo napiling PSA co-athlete of the year

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Hindi nasayang ang ma­gandang ipinakita nina Nonito Donaire, Jr. at Dennis Orcollo noong 2011 nang hi­rangin sila bilang Athletes of the Year ng Philippine Sportswriters’ Association (PSA).

Ang taunang parangal ay idaraos sa Marso 3 sa Manila Hotel at nagkaisa ang mga kasaping sports editors at writers mula sa mga malalaking pahayagan at tabloids na igawad ang pinakamataas na parangal kina Donaire at Orcollo bu­nga ng tagumpay na inangkin sa larangan ng professional boxing at billiards.

Sa buwan ng Pebrero nag­simulang umalingaw­ngaw ang pangalan ng dalawang atletang nabanggit at si Donaire ay umiskor ng kahanga-hangang se­cond round knockout win laban sa dating WBC/WBO bantamweight champion Mexican Fernando Montiel na ginawa sa Mandalay Bay Hotel at Casino sa Las Vegas, Nevada.

Si Orcollo ay nagpasikat naman sa Fujairah, United Arab Emirates nang talunin si Niel Feijen ng Netherlands, 10-3, para kunin ang kampeonato sa World 8-ball Championship.

Hindi dito natapos ang magandang laro nina Do­naire at Orcollo dahil ang tinaguriang ‘The Filipino Flash’ ay nagtagumpay sa unang pagdepensa sa titulo laban kay Omar Andres Narvaez na tinalo niya sa pamama­gitan ng unanimous decision noong Oktubre, habang sinungkit ng pool player na tinaguriang ‘Robocop’ ang gintong medalya sa 26th SEA Games sa Indonesia noong Nobyembre.

Ito ang ikalawang Athlete of the Year awards nina Donaire at Orcollo at ang una ay pinarangalan noong 2007 nang nakasama si swim­­mer Miguel Molina, ha­bang ang huli ay nakasama sina bowler Biboy Rivera, pool wizard Francisco Bus­tamante at boxer Rey Saludar noong nakaraang taon.

Sa pangyayari, si Orcollo ang ikaanim na atleta ng ban­sa na nakadalawang su­nod na Athlete of the Year award kasama sina bowler Bong Coo (1982-84), track queen Lydia De Vega (1986-87), world boxing champion Luisito Espinosa (1989-90), golfer Dorothy Delasin (2000-01) at 8-division world champion Manny Pacquiao (2002-04 at 2008-09).

vuukle comment

ATHLETE OF THE YEAR

ATHLETES OF THE YEAR

BIBOY RIVERA

BONG COO

DENNIS ORCOLLO

DONAIRE

DOROTHY DELASIN

FILIPINO FLASH

ORCOLLO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with