Cafe France nakalusot sa Freego
MANILA, Philippines - Magandang bagong taon ang inangkin ng Cafe France nang pataubin ang Freego Jeans, 78-76, sa pagbabalik-aksyon ng PBA D-League Aspirant's Cup kahapon sa The Arena sa San Juan.
Nag-init ang mga kamay ni Jeff Viernes nang pakawalan ang huling siyam na puntos ng kanyang koponan para sa kanilang 3-5 baraha at patibayin ang tsansa sa quarterfinal round.
Tumapos si Viernes na may 24 puntos at ang kanyang pagbibida sa endgame ang nagkumpleto sa pagbangon ng Bakers mula sa 67-71 pagkakaiwan.
Nalaglag ang Freego Jeans sa 6-3 karta at ngayon ay nakasalo sa pahingang Big Chill sa ikatlo at ikaapat na puwesto.
Binuwenas din ang nangungunang Cebuana Lhuillier (8-1) sa pagkatalong ito ng tropa ni coach Leo Austria dahil naibigay sa Gems ang unang awtomatikong semifinals berth dahil tanging ang NLEX lamang ang may kakayahang tumapos sa walong panalo.
Lumapit ang nagdedepensang Road Warriors sa inaasam na insentibo nang ilampaso ang Boracay Rum, 77-54, habang binigo ng PC Gilmore sa DUB Unlimited, 84-75.
(Angeline Tan)
Café France 78 – Viernes 24, Guillen 14, Mabayo 12, Montilla 10, Parala 8, Antipuesto 8, Magbitang 2, Alquisalas 0, Dumapig 0, Lucernas 0, Jasmin 0.
Freego Jeans 76 – Nuyles 22, Camson 13, Alvarez 10, Apinan 9, Austria 8, Manyara 4, Brondial 3, Cabrera 3, Monteclaro 3, Lopez 1, Sumalinos 0, Lozada 0.
Quarterscores: 13-17; 32-41; 61-60- 78-76.
- Latest
- Trending