^

PSN Palaro

Thunder nalusutan ang Grizzlies

-

MEMPHIS, Tenn.--Nag­tala si Kevin Durant ng 32 points, habang may 20 si James Harden para igiya ang Oklahoma City Thunder sa 98-95 pananaig laban sa Memphis Grizzlies.

Mula sa masamang 1-of-7 fieldgoal, nagsalpak si Durant ng 9-of-10 shoo­ting patungo sa pagtirada ng dalawang mahalagang free throws sa dulo ng laro.

 Nag-ambag din ng 20 points si Kendrick Perkins para sa 3-0 rekord ngayon ng Oklahoma City, nakahugot lamang ng 4 points kay point guard Russell Westbrook galing sa kanyang 0-of-13 fieldgoals.

Naipasok ni Wertbrook ang dalawang freethrows sa huling apat na segundo kasunod ang three-point shot ni Memphis’ forward Zach Randolph sa natitirang 1.8 segundo para sa kanilang 95-96 agwat.

Tumapos si Randolph na may 24 points, habang may 19 si Rudy Gay at 16 si Marc Gasol bukod pa ang kanyang 12 rebounds para sa Grizzlies na kumuha ng 49-41 lamang sa boards.

Tumipa si Jeremy Pargo, pumalit sa may injury na si point guard Mike Conly, ng 15 points at 7 assists para sa Memphis.

Sa iba pang laro, tinalo ng Miami Heat ang Charlotte Bobcats, 96-95; binigo ng Indiana Pacers ang Toronto Raptors, 90-85; gi­niba ng Cleveland Cavaliers ang Detroit Pistons, 105-89; isinalya ng Atlanta Hawks ang Washington Wizards, 101-83; iginupo ng New Orleans Hornets ang Boston Celtics, 97-78; ginitla ng Philadelphia 76ers ang Phoenix Suns, 103-83; ginulat ng San Antonio Spurs ang L.A. Clippers, 115-90; at kinaldag ng Denver Nuggets ang Utah Jazz, 117-100.

ATLANTA HAWKS

BOSTON CELTICS

CHARLOTTE BOBCATS

CLEVELAND CAVALIERS

DENVER NUGGETS

DETROIT PISTONS

INDIANA PACERS

JAMES HARDEN

JEREMY PARGO

KENDRICK PERKINS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with