^

PSN Palaro

Taong 2011 naging matagumpay para sa mga national boxers

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines -  Isang tiket sa 2012 Olympic Games sa London at apat na gintong medalya mula sa 26th Southeast Asian Games sa Indonesia.

 Ito ang naging achievement ng Amateur Boxing Association of the Philip­pines (ABAP) para sa taong 2011.

 Nakamit ni light flyweight Mark Anthony Barriga ang isang puwesto para sa 2012 Olympic Games sa London matapos umabante sa finals ang tumalo sa kanya sa quar­terfinals na si Zhou Shi­ming, isang two-time World Boxing Champion­ship gold meda­list, ng China sa nakaraang 2011 World Championships sa Baku, Azerbaijan.

 Awtomatikong mabibigyan ng tiket sa 2012 Games ang mga boksingerong na­talo sa quarterfinals kung pu­masok naman sa finals ang mga nagwagi sa ka­nila.

 Si Harry Tañamor, isa ring light flyweight kagaya ni Barriga, ang tanging boxer na nakalahok sa 2008 Beijing Olympics matapos su­muntok ng silver medal sa 2007 World Championships sa Chicago kung sa­an siya tinalo ni Zou sa gold medal round.

 Kumpiyansa naman si ABAP president Ricky Var­gas na madaragdagan pa ang mga Fil;ipino boxers na lalaban sa 2012 London Olympics sa kanilang paglahok sa dalawang nakatakdang Olympic quali­fying tournaments. 

 ‘We have not stopped dreaming and we look forward to the new challenge,” sabi ni Vargas.

Sinulatan na ng ABAP ang Philippine Olympic Com­mittee para iendorso si 2010 Asian Games gold me­dalist Rey Saludar bilang wild card sa London Ga­mes.

 Sa 2011 SEA Games sa Indonesia, kaagad namang nasibak ang 17-an­yos na si Barriga ng Panabo City, Davao del Norte sa first round sa light flyweight division matapos matalo kay Indonesian pride Denisius Hitarihun.

 Natakpan naman ito ng mga gintong medalya nina lightweight Charly Suarez, light welterweight Dennis Galvan, pinweight Josie Ga­buco at light flyweight A­lice kate Aparri sa nasabing biennial event.

Si bantamweight Nesthy Petecio ang nag-uwi ng pilak, habang si Saludar ang kumuha ng tansong me­dalya.

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIP

ASIAN GAMES

BARRIGA

BEIJING OLYMPICS

CHARLY SUAREZ

DENISIUS HITARIHUN

OLYMPIC GAMES

SHY

WORLD CHAMPIONSHIPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with