^

PSN Palaro

Phl Patriots at SMBeermen maglalaban sa Finals

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Umarangkada ang opensa ng AirAsia Philippine Patriots sa ikalawang yug­to upang angkinin ang 67-54 panalo laban sa host Thailand sa ‘To Be Number One Basketball Challenge’ ka­makalawa ng gabi sa Ni­mibutr National Stadium sa Bangkok, Thailand.

Isang 24-8 bomba ang pinakawalan ng Patriots sa nasabing yugto upang ang dikitang bakbakan sa first period na natapos sa 21-21 ay naging 45-29 bentahe para sa bisitang koponan.

May 18 puntos si Anthony Johnson, si Nakiea Mi­ller ay naghatid ng 12 pun­tos, 13 rebounds at 5 blocks, habang si Ardy La­rong ay may 11 puntos sa 11 minutong paglalaro upang mapatahimik ng inau­gural champion ng ASEAN Basketball League ang mga manonood na ki­nabilanganan ni Thai Princess Ubolratana.

Makakaharap ng kopo­nang pag-aari nina Dr. Mikee Romero at Tony Boy Co­juangco ang expansion team mula Pilipinas na San Miguel Beermen na nanaig sa Singapore Slingers, 79-69, sa isa pang laro.

May 21 puntos ang Fil-Italian guard na si Chris Ban­chero, habang sina import Darlon Johnson at Jun-Jun Cabatu ay nag-ambag ng 17 at 15 puntos, ayon sa pagkakasunod para ma­i­takda ang All-Philippine team finals.

“Kailangang magkaro­on kami ng magandang pla­no lalo na sa depensa at da­pat na mapigilan si Chris Ban­chero,” wika ni rookie coach Glenn Capacio.

Kumbinsido si Mil­ler na kayang manalo ng Patriots upang selyuhan ang pagi­ging top favorite ng ko­po­nan sa ikatlong season ng ABL sa Enero 14, 2012.

“We are ready for them. We don’t want to lose and I’m pretty sure they are feeling the same,” ani Miller.

vuukle comment

ANTHONY JOHNSON

ARDY LA

BASKETBALL LEAGUE

CHRIS BAN

DARLON JOHNSON

DR. MIKEE ROMERO

GLENN CAPACIO

JUN-JUN CABATU

NAKIEA MI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with