^

PSN Palaro

Tiu 'di iiwan ang Smart Gilas

- Ni JV -

MANILA, Philippines - Magpapatuloy si Chris Tiu sa pagsuot ng Pambansang uniporme sa 2012.       

“Yes I want to still play for the national team and hoping that the Smart Gi­las II programs will allow me to fulfill my dream of playing in the World Championships or the Olympics,” wika ni Tiu na siyang team skipper ng Smart Gilas Pilipinas at Sinag Pilipinas.

Ang Sinag ay sariwa sa pagkapanalo ng titulo sa 26th SEA Games sa Indonesia habang ang Gilas ay kinapos sa puntiryang puwesto sa London Olympics sa idinaos na FIBA Men’s Championship.

Inanunsyo ng pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na si Manny V. Pangilinan ang pagpapa­tuloy sa Gilas program pero hanggang ngayon ay wala pang linaw ang detalye hinggil dito.

Nauna na ring nagpa­sabi ang PBA ng kanilang ka­handaan na tumulong sa paglalaan ng 20 pro pla­­­yers na maaaring hu­gu­tin para sa bubuuing national team na maglalaro sa qualifying event sa 2014 FIBA World Championship sa Spain.

Inaasahan naman na makakasama si Tiu sa Gil­as II bukod pa sa 6’10 natura­lized player Marcus Douthit.

Bagamat nagpasabi ang PBA ng kahandaan na tumulong, masasabing hindi kakapusin ang ta­len­tong pagkukunan ng koponan dahil naririyan ang mga collegiate stars na sina Greg Slaughter, Aldrech Ramos, Bobby Ray Parks Jr. at Kiefer Ravena.

ALDRECH RAMOS

ANG SINAG

BOBBY RAY PARKS JR.

CHRIS TIU

GREG SLAUGHTER

KIEFER RAVENA

LONDON OLYMPICS

MANNY V

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with