^

PSN Palaro

Mabigat ang labanan sa ABL--Capacio

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Hindi pa man todo ang ipinakikitang laro, naniniwa­la na si rookie Philippine Patriots coach Glenn Ca­pacio na magiging bali­ka­tan ang labanan para sa kampeonato sa 3rd AirAsia ASEAN Basketball League.

Nasa Bangkok, Thailand ang Patriots upang sumali sa anim na koponang “To Be Number One Basketball Challenge” na nagbukas noong Huwebes sa Nimibutr Stadium.

Nasilayan na niya ang aksyon sa unang araw ng torneo ng Thailand at Saigon Heat at San Miguel Beer at Indonesia Warriors at napansin niya ang kalidad ng mga nasabing ko­ponan.

“Wide open ang laba­nan sa titulo sa ABL. Lahat ng teams ay malalakas,” wika ni Capacio na uupo bilang head coach kapalit ni Louie Alas na nagdesis­yong magpahinga muna.

Dinurog ng Thailand ang Heat, 78-55, habang ang Beermen na ikalawang koponan mula Pilipinas ay nalusutan ang Warriors, 76-70.

Magbubukas ng kampanya ang koponang pag-aari nina Mikee Romero ng Harbour Centre at Tony Boy Cojuangco laban sa Heat na nilaro kagabi.

Hinati sa dalawang grupo ang anim na kalahok at ang mangungunang koponan sa magkabilang dibisyon ang maglalaban sa titulo.

Aminado si Capacio na malaking tulong para tumaas ang morale ng koponan kung madodomina nila ang pre-season event na ang layunin ay makalikom ng pondo para maitulong sa mga nabiktima ng malawakang pagbaha sa Thailand noong nakaraang buwan.

Pero isa ring misyon ng Patriots ay ang pagbuo sa team chemistry lalo pa’t hindi pa sila gaanong nakakapag-ensayo kasama ang mga imports na sina Nakiea Miller at Anthony Johnson.

Opisyal na magbubukas ang liga sa Enero 14 at magkakaroon ng sapat na pagkakataon ang mga koponan na gumawa ng pagbabago sa kani-ka­ni­lang koponan matapos ang maigsing liga na ito.

ANTHONY JOHNSON

BASKETBALL LEAGUE

CAPACIO

GLENN CA

HARBOUR CENTRE

INDONESIA WARRIORS

LOUIE ALAS

MIKEE ROMERO

NAKIEA MILLER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with