^

PSN Palaro

Baguio overall champion sa Batang Pinoy

- Ni JV -

NAGA CITY, Philippines - Humakot ng apat na gin­to ang jins ng Baguio City sa taekwondo para hiranging overall champion sa katatapos na 2011 Batang Pinoy National Finals sa Naga City.

Sina girls Suzzaine Gleen Caslangen (lightweight) at Brighty Rio Marie Salazar (heavyweight) ay nakasama nina boy’s Christian Duntungan (finweight) at Tristan Dale Ca­gaya (flyweight) upang magkaroon ng kabuuang 23 ginto ang City of Pines delegation bukod pa sa 13 pilak at 19 bronze medals.

Nalaglag sa ikalawang puwesto ang naunang lumamang na Laguna sa 21-19-24 habang ang Zamboanga City ang pumangatlo sa 16-9-5 medal tally.

Nasa ikaapat na puwes­to ang Manila sa 15-109-12 habang ang Quezon City ang tumapos sa ikalima sa 9-18-15.

Kinumpleto naman ng magkapatid na sina Ra­fael at Roberto Miguel Ja­lnaiz ang magandang ipinakita sa kompetisyong inorganisa ng Philippine Sports Commission katuwang ang Smart at Summit Mineral Water, nang manalo ng ginto sa boxing sa mga dibisyong minimumweight (38kg) at paperweight (44kg).

Lumabas naman bilang atletang may pinakamara-ming medalya ay si Mark Anthony Diesto ng Bacolod City nang manalo sa 100m dash (13.15s), long jump (5m), triple jump (10.55m) classical relay (2:29.44) at 4x100 relay (51.59s).

BACOLOD CITY

BAGUIO CITY

BATANG PINOY NATIONAL FINALS

BRIGHTY RIO MARIE SALAZAR

CHRISTIAN DUNTUNGAN

CITY OF PINES

MARK ANTHONY DIESTO

NAGA CITY

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with