Bondad, Herranz di nagpapigil sa 2011 Batang Pinoy
NAGA CITY, Philippines -- Apat pang gintong medalya ang nilangoy nina Laguna tankers Catherine Bondad at Ariana Herranz, habang tumudla ng dalawa sina Manila archers Bianca Gotuaco at Luis Gabriel Moreno sa 2011 Batang Pinoy kahapon dito sa Metro Naga Sports Complex.
Kinuha ng 13-anyos na si Bondad ang ginto sa girls’ 12-13-yrs old 100-meter freestyle at sa 100m butterfly, samantalang ang 15-anyos na si Herranz ang namayani sa 14-15-yr old girls 200m freestyle at 50m backstroke.
Nauna nang nagdomina si Bondad sa 50m at 200m freestyle at 100m backstroke at si Herranz ang nagbida sa 100m backstroke at 200m freestyle at 200m medley relay kasama sina Sofia Guanio, Martina Borce at Joanna Simbulan noong Sabado.
Si Bondad ng San Pablo City ay dating multiple gold medalist sa Palarong Pambansa.
Sina Gotuaco at Moreno ang kumuha naman ng ginto sa double FITA 18-meter recurve at Olympic round.
Si Gotuaco, isang United States-trained archer, ay may 552 points, habang si Moreno, apo ni German ‘Kuya Germs’ Moreno, ay pumana ng 554 points.
- Latest
- Trending





















