Corteza pinigil si Yang

MANILA, Philippines - Dinugtungan ni Lee Van Corteza ang pa­nanaig ng Filipino cue-artist sa mga dayu­han nang hiritan ng 9-6 panalo si Yang Ching-shun ng Chinese-Taipei sa Philippine Bigtime Billiards (PBB) Face-Off series na nangyari noong Sabado ng gabi sa Airport Pagcor Casino sa Parañaque City.

Pinagbayad ni Corteza ang error ni Yang nang ma-scratch ang cue ball sa 9th rack upang katampukan ang tatong racks na pinanalunan para makalayo sa 7-4 mula sa 4-4 tabla.

 Ito ang ikalawang sunod na panalo ng mga manla­laro ng bansa kasunod ang 9-8 tagumpay ni Francisco Bustamante laban kay Daryl Peach ng Great Britain na nangyari dalawang linggo na ang nakalipas.

Ang palarong inorganisa ng Mega Sports World at BRKHRD Corp ay muling ma­tutunghayan sa Disyembre 10 sa pagkikita nina Yang at Dennis Orcollo.   

Show comments