86,547 runners naitala sa Run for the Pasig River

MANILA, Philippines - Bumilang lamang sa 86,547 ang mananakbong nakiisa sa Run for the Pasig River kahapon na nagsi­mu­la sa kahabaan ng Ro­xas Boulevard at nagtapos sa SM Mall of Asia.

Umabot sa 120,000 ang nagpatala at nagbayad ng registration fees at kahit hin­di lahat ay nakatakbo, ma­sasabing pinakamala­king bilang pa rin ang na­itala kung ang mga lumahok sa patakbo ang pag-u­usapan sa taong ito.

Layunin ng advocacy run na makalikom ng ma­laking halaga na igugu­gol sa paglinis ng Pasig Ri­ver.

Nakatoka sa taong ito ang paglilinis ng Estero de San Miguel na nasa likod lamang ng Malacañang.

"It shows who we are as a people. The number don't matter, there's not doubt about it. The students came, the army and po­lice were here and the private sector was here in full force," wika ni Gina Lo­pez, ang managing director ng ABS-CBN Foundation na nagtatag sa Kapit Bisig pa­ra sa Ilog Pasig (KBPIP).

Noong 2010 ay pumalo sa 160,000 ang mga tu­mak­bo para kilala­nin ng Guin­ness Book of Re­cord bi­lang pinakama­laking grupo sa isang araw na ka­r­era.

Show comments