JAKARTA, Indonesia --- Pipilitin ng mga national judokas at wushu artists na maduplika ang matagumpay na kampanya ng mga taekwondo jins sa pagsisimula ng kani-kanilang mga events sa 26th SEA Games dito.
Muling babanderahan ni John Baylon ang judo team, habang si world champion Dembert Arcita ang mangunguna sa wushu squad.
Bukod kay Baylon, ang iba pang miyembro ng judo squad ay sina Lloyd Dennis Catipon, Dahryll Lucero, Gilbert Ramirez, Franco Teves, Kenji Yahata, Bill Astudillo, June Awakan, Helen Dawa, Ruth Dugaduga, Jenielou Mosqueda, Nancy Quillotes, Annie Ramirez at Kiyomo Watanabe.
Sa 2009 SEA Games sa Laos, kumuha ang mga judokas ng 2 gold, 1 silver at 5 bronze medals.
Katuwang naman ni Arcita sa wushu team sina Engelbert Addongan, John Keithly Chan, Mark Eddiva, at Eduard Folayang.
Nag-uwi ang wushu ng 2 gold, 2 silver at 4 bronze medals sa 2009 SEAG.