Filipino rowers tatapatan ang lakas ng mga kalaban

BEKASI, West Java - Hindi man patas ang gamit kum­­para sa host Indonesia ay hindi naman padadaig sa puso ang mga Filipino rowers na mapapalaban mula nga­yon sa rowing competiton sa Cipule Lake dito.

Nadiskubre ng foreign coach ng Pilipinas na si Rolan­das Kazlauskas na iba ang bangkang gagamitin ng In­donesia laban sa mga katunggaling bansa dahil mas ma­gaan at ‘high-tech’ ang mga ito para magkaroon agad ng bentahe sa labanan.

Mahihirapan man ay ituturing na dagdag hamon na lamang ito sa kakayahan ng pambansang manlalaro sa pangunguna nina Alvin Amposta, Edgar Ilas at Nestor Cor­dova na sasalang sa dalawang events ngayong uma­ga.

Sina Amposta at Ilas ay lalaban sa light men’s double sculls heats, habang si Cordova ay kakampanya sa light men’s singles heats.

Target ng koponan na makasagwan muli ng dalawang gin­to tulad ng kanilang ginawa sa 2007 Thailand SEA Ga­mes.

Show comments