Jakarta -- Inangkin ni Joey Barba ang unang medalya ng bansa sa cycling event ng 26th SEA Games matapos sikwatin ang silver medal sa mountain bike downhill competitions dito sa Gunung Pencar course sa Sentul City, West Java.
Nagtala si Barba, nagbulsa ng ginto sa Manila SEA Games noong 2005, ng tiyempong 02:32.443 sa ilalim ni Pornomo Pornomo ng Indonesia na nagsumite ng bilis na 2:31.451 para sa pagbulsa niya sa gold medal.
Kinuha naman ni Tanaphon Jarupeng ng Thailand ang bronze medal mula sa kanyang 2.35.929 oras.