^

PSN Palaro

Road Warriors sinagasaan ang Wizards

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Lumabas ang bangis ng paglalaro ng tatlong ti­ningalang manlalaro sa collegiate leagues upang bigyan ang nagdedepensang NLEX Road Warriors ng 85-61 panalo laban sa PC Gilmore sa pagpapatuloy ng PBA D-League Aspirants Cup kahapon sa Adamson Gym.

Sina dating UAAP MVP RR Garcia, ang kasalukuyang NCAA MVP Calvin Abueva at gunner ng nagkampeong San Beda na si Garvo Lanete ay nagsanib sa 42 puntos upang madomina ng Road Warriors ang kabuuan ng labanan tungo sa 1-0 karta.

“Kulang pa sa team chemistry. Pero magandang simula na ito dahil nanalo kami,” wika ni NLEX coach Boyet Fernandez.

Maliban sa matinding opensa, kontrolado rin ng NLEX ang rebounding sa malaking 60-40 bentahe at nakitaan din ng mas magandang teamwork sa 24-16 bentahe sa assists.

 Tumapos si Jose Lim taglay ang 14 puntos para sa Wizards na patuloy na di nagamit ang serbisyo ng mga Fil-Ams na sina Kelly Nabong at AJ Mandani at malaglag sa ikalawang sunod na kabiguan.

Sinandalan naman ng Freego Jeans ang tres ni Lester Alvarez sa huling 50 segundo para maipreserba ang 58-48 panalo sa Boracay Rum sa ikalawang laro.

May 18 puntos si Al­va­rez at ang tres na pina­kawalan ay nagbalik sa kumpiyansa ng koponan na unti-unting nawawala matapos makita ang 12 puntos kalamangan sa kalagitnaan ng huling yugto ay natapyasan hanggang 48-52 ng kalaban.

Si Eric Camson ay nag­hatid ng 13 puntos para sa Freego Jeans.

vuukle comment

ADAMSON GYM

BORACAY RUM

BOYET FERNANDEZ

CALVIN ABUEVA

D-LEAGUE ASPIRANTS CUP

FREEGO JEANS

GARVO LANETE

JOSE LIM

KELLY NABONG

ROAD WARRIORS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with