^

PSN Palaro

Batang Pinoy sisikad ngayon

-

MANILA, Philippines - Lalarga ngayon ang Batang Pinoy 2011 na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC).

Idaraos ang Mindanao leg sa Zamboanga City ng naturang event para sa kabataang may edad 15-anyos pababa.

Mismong si PSC chairman Ricardo “Richie” Garcia at kanyang mga Commissioners na sina Jolly Gomez at Chito Loyzaga ang dadalo para opisyal na pagbubukas sa Joaquin F. Enriquez Memorial Sports Complex sa Baliwasan, Zamboanga City.

Ang Batang Pinoy 2011 ay sinusuportahan ng Smart, Maynilad, Summit Natural Drinking Water.

Huling isinagawa ang Batang Pinoy noong 2004 sa Puerto Princesa, Palawan. Ibinalik ng PSC ang naturang palaro sa layuning mapaigting ang “grassroots development program” nito.

Nakatutok naman si Gomez para masiguro ang ta­gum­­pay ng Batang Pinoy na kinatatampukan din ng apat na iba pang qualifying leg at isang national championship.

Ang mga event na pag-lalabanan ay archery, arnis, athletics, badminton, 3-on-3 basketball, boxing, chess, judo, swimming, table tennis, taekwondo, tennis, weightlifting at wrestling sa limang regional leg habang idadagdag naman ang triathlon at shooting sa National Finals.

ANG BATANG PINOY

BATANG PINOY

CHITO LOYZAGA

DRINKING WATER

ENRIQUEZ MEMORIAL SPORTS COMPLEX

JOAQUIN F

JOLLY GOMEZ

NATIONAL FINALS

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with