^

PSN Palaro

Isa na lang sa Bedans

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Lumabas ang lalim ng bench ng San Beda nang humugot ang koponan ng mahalagang puntos sa bench players sa huling yugto tungo sa 75-63 panalo sa Game One ng 87th NCAA men’s basketball Finals kahapon sa Araneta Coliseum.

Si Mar Villahermosa na hindi starter ni coach Frankie Lim ay gumawa ng 15 puntos at 10 rito ay kinamada sa huling yugto upang iwanan ng Red Lions ang Stags matapos makatabla sa hu­ling pagkakataon sa 52-all iskor sa pagtatapos ng ikatlong yugto.

Ang kanyang tres sa pag­bubukas ng fourth period ang tuluyang nagbigay ng kalamangan sa Lions na nakapagposte ng pinakama­laking bentahe na 12 puntos, 70-59, sa ikalawang tres ni Villahermosa na nasundan pa ng split sa free throw line ni Rome dela Rosa.

 “The boys showed they really wanted this win. They gave us a tough fight but in the end we managed to pull it off with Villahermosa leading us,” wika ni Lions coach Frankie Lim na balak ipagkaloob sa koponan ang ikalimang titulo sa ikaanim na sunod na pag-usad sa Finals.

 Nalimitahan lamang sa anim na puntos ang pambato ng Lions na si Garvo Lanete pero hindi ininda ito ng koponan dahil bukod kay Villahermosa ay gumana rin ang off the bench na si David Marcelo sa kanyang 14 puntos at 11 rebounds habang ang mga starters na sina Jake Pascual at Rome dela Rosa ay tumapos sa 14 at 11 pa.

Balikatan ang bakba­kan at ang Stags na nakalayo ng hanggang anim na puntos, ay huling umabante sa 52-50 sa buslo ni Ian Sangalang. Pero nalibre si Baser Amer para tumabla ang Lions matapos ang tatlong yugto.

Kasabay ng mainit na opensa ng Lions ay ang malamig na laro ng Stags dahil sina Ronald Pascual at Calvin Abueva ay nagtala lamang ng tig-dalawang puntos sa huling 10 minuto ng labanan.

Si Pascual ay may 14 puntos pero 12 lamang ang naibigay ni Abueva na malayo sa 21 puntos ave­rage bago ang Finals.

Dala ng emosyon ay napatalsik sa laro si Stags rookie coach Topex Ro­binson nang pituhan ng disqualifying foul nang hindi umalis sa court matapos ang timeout at ang Lions ay angat ng 12 puntos may 1:50 sa orasan.

Bago ang laro ay iginawad kay Abueva ang Most Valuable Player award bukod pa sa puwesto sa Mythical team.

Nakasama niya rito sina Sangalang, Lanete, Kevin Alas at Raymond Almazan ng Letran.

Si Almazan din ang hi­nirang bilang Most Improved Player habang si Josan Nimes ng Mapua ang Roo-kie of the Year.

         

ABUEVA

ARANETA COLISEUM

BASER AMER

CALVIN ABUEVA

DAVID MARCELO

FRANKIE LIM

GAME ONE

PUNTOS

VILLAHERMOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with