^

PSN Palaro

Lining, 4 pa tuloy sa pananalasa

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Muling lumabas ang ma­bangis na laro ni Antonio Lining para maging isa sa limang manunumbok ng Pilipinas na umabante sa fourth round sa 2011 US Open 9-ball Championship sa Chesapeake Convention Center, Chesapeake, Virginia, USA.

Isang rack lamang ang ibinigay ni Lining sa naka­labang si Basher Hussain Abdulmajeed ng Qatar tu­ngo sa 11-1 panalo sa third round.

Ito ang ikalawang pagkakataon na nanalo sa ganitong iskor si Lining matapos kalusin sa kaparehong iskor si John Troy ng US sa kanyang unang laban.

Pero makikilatis ang ti­kas na tangan ni Lining da­hil sunod niyang makakabangga ang mahusay na si Ralf Souquet ng Germany na umukit ng mga panalo laban kina Douglas Jones (11-1), Shaun Wilkie (11-10) at Bill Dugan (11-3).

Sina 2005 champion Alex Pagulayan, Jundel Ma­zon, Lee Van Corteza at Warren Kiamco ay lumusot din sa kanilang mga kalaban upang pawiin ang pagkatalo ni Antonio Gabica sa kanyang laban.

May 11-8 tagumpay si Pagulayan kay Grover Foster ng USA; si Mazon ay nanaig sa Chinese player Li Wen-lo, 11-6; si Corteza ay nanaig kay Michael Banks ng US, 11-4; habang si Kiamco ay umiskor ng dikitang 11-10 panalo kay Dennis Hatch ng US.

Si Gabica ay minalas laban kay Jayson Shaw ng Scotland, 1-11, para ma­laglag sa loser’s bracket.

Samantala, sumama na kay Israel Rota si Jose “Amang” Parica na namahi­nga sa hanay ng mga Filipino cue artist matapos ma­talo kay Shane Jackson, 9-11, sa ikatlong laro sa lo-ser’s bracket.

Ang iba pang bigating pangalan sa mundo ng pool na nasa winner’s bracket pa ay sina defending champion Darren Appleton, four-time champion Earl Strickland, two-time champion Mika Immonen, Shane Van Boening at Rodney Morris na nanalo na rin dito. 

ALEX PAGULAYAN

ANTONIO GABICA

ANTONIO LINING

BASHER HUSSAIN ABDULMAJEED

BILL DUGAN

CHESAPEAKE CONVENTION CENTER

DARREN APPLETON

DENNIS HATCH

DOUGLAS JONES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with