P18M gagastusin ng PSC sa Batang Pinoy
MANILA, Philippines - Gagastos ng P18 milyon ang Philippine Sports Commission (PSC) sa pagbabalik ng Batang Pinoy.
Naglaan ng P2.5 milyon ang PSC sa limang na regional qualifying tournament habang ang nalalabing pera ay para sa National Finals na gagawin mula Disyembre 10 hanggang 13 sa Naga City, Camarines Sur.
Mga Olympic sports na archery, arnis, athletics, badminton, 3 on 3 basketbal, boxing, chess, gymnastics, judo, swimming, table tennis, taekwondo, tennis, weightlifting at wrestling ang gagawin sa mga regional games habang ang triathlon at shooting ay isasama sa National Finals.
Unang regional elimination ay itinakda sa Zamboanga City mula Oktubre 27-30 at susunod dito ang Dumaguete City mula Nobyembre 10-13 para sa Visayas; Baguio mula Nobyembre 24-27 para sa Northern Luzon: University of Makati mula Nobyembre 29-Disyembre 2 para sa NCR at Sta. Cruz, Laguna mula Disyembre 4-7 para sa Southern Luzon.
Gagamitin ng PSC ang Batang Pinoy para pumili ng manlalaro na ilalaban sa Youth Olympic Games sa Nanjing China sa 2014.
- Latest
- Trending