Pacquiao napaaga ang pagpapakundisyon
MANILA, Philippines - Halos isang buwan bago ang kanilang pangatlong laban ni Juan Manuel Marquez ay nasa 75-80 porsiyento nang nasa fighting form si Manny Pacquiao.
Inamin ni four-time Trainer of the Year Freddie Roach na napaaga ang ginawa nilang pagpapakondisyon ng Filipino world eight-division champion para sa kanilang ‘trilogy’ ni Marquez sa Nobyembre 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
“We’re way ahead of where we usually are, like 75-80% of where we should be by fight night,” wika ni Roach. “We’re usually around 50% right now. I have to make sure we don’t overdo it.”
Idedepensa ng 32-anyos na si Pacquiao (53-3-2, 38 KOs) ang kanyang suot na WBO welterweight title laban sa 38-anyos na si Marquez (53-5-1, 39 KOs) sa Nobyembre 12 sa MGM Grand.
Kagaya ng kanyang mga nakaraang laban, ang kanyang bilis at lakas ang muling pinahahalagahan ng Sarangani Congressman laban sa Mexican lightweight titlist.
“I’m focusing on my strength and speed,” sabi ni Pacquiao. “They’re watching my body, so I don’t become too big. I control my training, step by step, until the time comes to fight. I want to be gradual in my training.”
Isang three-week, high-altitude training ang ginawa ng Team Pacquiao sa Baguio City bago bumiyahe sa Los Angeles, California para sa pagpapatuloy ng kanilang preparasyon.
Ayon kay Roach, walang ibang gustong gawin si Pacquiao kundi ang pabagsakin si Marquez.
“That’s what we’re training him for,” sambit ni Roach.
Bagamat tatlong beses napabagsak sa first round, isang draw ang nailusot ni Marquez sa kanilang unang laban ni Pacquiao noong Mayo ng 2004.
Inagaw naman ni ‘Pacman’ ang suot na WBC super featherweight belt ni Marquez mula sa isang split decision sa kanilang rematch noong Hunyo ng 2008.
- Latest
- Trending