Orcollo, Cuartero rumatsada; Biado pinayukod ni De Luna

MANILA, Philippines - Kasabay ng kabiguan ni Carlo Biado sa 9-ball competition, umagaw naman ng eksena sina World No.1 Dennis Orcollo at Allan Cuartero sa Natio­nal Pool Championships no­ong Huwebes ng gabi sa Star Billiards Center sa Grace Village, Quezon City.

Pinadapa ni Orcollo si Marvin Tapia, 9-4, para sa kanyang pangalawang su­nod na panalo sa 9-ball com­petition.

Unang tinalo ni Orcollo, ang kasalukuyan ring world 8-ball champion, si Alexander Arenal, 9-7, sa 9-ball ope­ner bago isinunod si Ta­pia para itakda ang ka­nilang third round match ni Ar­vi Tanega.

Tatlong panalo ang ki­nu­ha ni Cuartero kon­tra ki­­na Judy Villa­nueva, 9-6; Jeff Diaz, 9-7; at Ri­chard Alin­sub, 9-8.

Umiskor rin ng tatlong ta­­gumpay sina Je­richo Ba­nares, Roberto Go­mez at Rene Cruz.

Iginupo ni Banares sina Jo­hann Chua, 9-5; Cocong Aca­ba, 9-3; at De Luna, 9-7; habang ginitla ni Gomez sina Ramon Mistica, 9-4; Mario Tolentino, 9-8; at Jog­jakarta 9-ball champion Vic­tor Arpilleda, 9-7.          

Yumukod naman si Bia­do kay De Luna, 3-9, sa ka­nilang laban sa 8-ball no­­ong Miyerkules.

Show comments