^

PSN Palaro

Barangay 76 AIMS bumandera sa Handy Fix cagefest

-

MANILA, Philippines - Umiskor ng magkahi­walay na panalo ang Barangay 76 AIMS at ang Barangay 17 sa Pasay leg ng 1st Handy Fix Super League National Barangay Championships.

Tinalo ng Barangay 76 AIMS sa pamumuno nina Ian Melencio at Romy Arce ang Barangay 18, 85-78.

Pinayukod ng Barangay 17 sa likod nina Aldrin Telpo at Mark Yambot ang Barangay Pasay SK Selection, 69-55.

Matapos ang paggupo sa Barangay 18, binigo naman ng Barangay 76 AIMS ang Barangay 17, 88-81, habang pinadapa ng Barangay 18 ang Barangay Pasay SK Selection, 92-47.

Ang torneo na inorganisa ni Magna Prime GM Derrick Tan ay nagbuklod sa mga barangay teams pa­ra sa city, regional at nationals championships na na­katakda sa Nobyembre

Ang mga aksyon sa Vi­sayas at Davao ay nagpa­patuloy sa kasalukuyan.

Makukuha ng national champion ang premyong P25,000, ang 1st runner-up ay P15,000, ang 2nd run­ner­-up ay P10,000 at ang 3rd runner-up ay P5,000.

vuukle comment

ALDRIN TELPO

BARANGAY

BARANGAY PASAY

DERRICK TAN

HANDY FIX SUPER LEAGUE NATIONAL BARANGAY CHAMPIONSHIPS

IAN MELENCIO

MAGNA PRIME

MARK YAMBOT

ROMY ARCE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with