MANILA, Philippines - Ibinuhos ng STI Colleges ang kanilang matibay na depensa sa huling maiinit na minuto nang labanan upang igupo ang Centro Escolar University, 82-78 sa kanilang do or die match at isaayos ang kanilang pagkikita ng nagdedepensang University of Manila sa 11th NAASCU men's basketball championship sa Makati Coliseum kahapon.
Sumandig ang Olympians sa mga balikat ng rookie na si Jasper Melano at beretanong sina Jerald Bautista at Cedri Ablaza sa huling dalawang minuto ng labanan upang idiskaril ang tangkang pagbangon ng Scorpions.
Tumapos si Hassed Gabo ng 16 puntos para sa STI at nag-ambag naman sina MacLean Sabellina at Melano ng tig-13 puntos.
“We’re happy to be back in the finals again. The boys played well against CEU,” wika ni STI coach Vic Ycasiano.
Nakopo ng Olympians ang kanilang kauna-unahang NAASCU crown noong 2006 matapos na wakasan ang limang taong dikit na dominasyon ng Hawks sa league na inorganisa ni NAASCU president Dr. Ernesto ‘Jay’ Adalem ng host school St. Clare College-Caloocan,
Bumandera sa Scorpions ang rookie na si David Orbeta na may 15 puntos.