^

PSN Palaro

Boholst 'di nakaporma sa Dutch fighter

-

BAKU, Azerbaijan--Ma­tapos magposte ng 3-0 kartada, natikman ng PLDT-ABAP National Bo­xing Team ang kanilang unang pagkatalo.

Ito ay matapos yumukod si Delfin Boholst kay Stephen Danyo ng the Netherlands, 11-16, sa 2011 World Boxing Championships.

Naging agresibo si Bo­holst sa first round sa hangaring makontrol ang naturang laban. Subalit naging mabisa naman ang pagiging counter-puncher ni Danyo.

Itinala ng Dutch fighter ang 5-3 bentahe sa ope­ning round at pinalobo sa 10-6 ang kanyang kalama­ngan kontra kay Boholst sa second round.

Bagamat nagpaulan ng maraming suntok si Boholst, hindi naman nawala sa kanyang porma ang European Championship finalist sa pag-angkin sa kanyang tagumpay.

Nakatakda namang labanan ngayon ng 20-anyos na si Orlando Tacuyan si Mehdi Toloutibandpi ng Iran sa 64 Kg light welterweight division.

Isang six-man national team ang isinabak ng ABAP sa nasabing qualifier para sa 2012 London Olympics. Ang tatlong panalo ang magbibigay sa isang boxer ng tiket para makalaro sa Olympiad, ayon kay ABAP executive director Ed Picson. 

BOHOLST

DELFIN BOHOLST

ED PICSON

EUROPEAN CHAMPIONSHIP

LONDON OLYMPICS

MEHDI TOLOUTIBANDPI

NATIONAL BO

ORLANDO TACUYAN

STEPHEN DANYO

WORLD BOXING CHAMPIONSHIPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with