^

PSN Palaro

MVP, Chot pararangalan

-

MANILA, Philippines - Pagsasaluhan nina Talk N Text coach Chot Re­yes at team owner Manny V. Pangilinan ang spotlight sa paghirang sa kanila bilang Coach of the Year at Exe­cu­tive of the Year, ayon sa pagkakasunod, sa 2011 PBA Press Corps Annual Awards ngayong gabi sa Topaz Room ng Gateway Suites sa Cubao, Quezon City.

Tatanggapin ni Reyes ang Virgilio “Baby” Dalupan Trophy, habang si Pangi­linan ang kukuha sa Danny Floro Trophy sa blue ribbon affair na magsisimula sa ganap na alas-7 ng gabi.

Si Dave Floro, anak ng legendary Crispa Redmanizer team owner, ang maghahandog ng parangal.

Iuuwi ng Talk N Text mentor na si Reyes ang Dalupan Trophy para sa pang limang pagkakataon, samantalang ito ang ikalawang pagkakataon na makukuha ni Pangilinan ang Floro Trophy.

Sina Reyes at Pangi­linan ang naging outstan­ding choices para sa natu­rang mga karangalan matapos magkampeon ang Tropang Texters sa dalawang torneo ng naka­raang PBA season.

Si Supreme Court Chief Justice Renato C. Corona ang magiging guest of honor at speaker sa okas­yon na magbibigay rin ng parangal kay dating PBA commissioner Rudy Salud kasama ang kaibigang si Consul Eddie de Guzman.

Sina Talk N Text’s Ja­son Castro at Petron Blaze’s Arwind Santos at Danny Ildefonso ang ilan pa sa mga bibigyan ng pagkilala sa awards night na inihahandog ng San Miguel Corporation, Powerade at Smart Sports.

Si Castro ang napi­ling Maynilad Mr. Quality Minu­tes, habang si Santos ang tinanghal na Sapal Elastic Sealant and Waterproofer Defensive Player of the Year at si Ildefonso ang Comeback Player of the Year.

vuukle comment

ARWIND SANTOS

CHOT RE

COACH OF THE YEAR

COMEBACK PLAYER OF THE YEAR

CONSUL EDDIE

CRISPA REDMANIZER

DALUPAN TROPHY

DANNY FLORO TROPHY

SHY

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with