^

PSN Palaro

Barnachea lider na; Joven sa Stage Two

-

MANILA, Philippines - Sumabay ang 2002 Calabarzon at 2006 Padyak Pinoy Tour ng Pilipinas champion Santy Barnachea sa mga biga­ting siklista mula sa simula hanggang sa natapos ang karera para makuha ang liderato sa overall race sa Stage Two ng 2011 LBC Ronda Pilipinas.

Si Cris Joven ang kumuha ng lap na sinimulan sa Dumaguete at nagtapos sa Silay City, Negros Occidental at napahirapan ang mga siklista dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan.

Pero nakakapit si Barnachea sa mga nasa unahan para maagaw ang overall sa dating lider at first stage winner Ronald Gorantes.

May kabuuang siyam na oras, 37 minuto at 55 segundo si Barnachea na hindi naman binalak na hawakan ng ma­tagal ang liderato upang hindi masunog sa 12 stage, 20 araw na karera.

Unang lap win naman ang nakuha ni Joven sapul nang sumali sa mga Tour sa bilis na 5:15:03.8 at naibulsa rin niya ang P50,000 premyo na kasama rito.

Ang hihiranging kampeon sa individual at team events ay tatanggap ng tig-P1 milyong premyo.

BARNACHEA

CALABARZON

NEGROS OCCIDENTAL

PADYAK PINOY TOUR

RONALD GORANTES

RONDA PILIPINAS

SANTY BARNACHEA

SI CRIS JOVEN

SILAY CITY

STAGE TWO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with