^

PSN Palaro

Ford babawi para itabla ang serye sa 1-1 sa Army

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Nalimitahan si American import Lauren Ford sa personal low nitong 5 points sa 9-25, 20-25, 16-25 pag­yukod ng San Sebastian College-Recoletos sa Philip­pine Army sa Game One ng kanilang best-of-three championship series para sa Shakey’s V-League Open Conference noong Linggo.

Sinabi ng 6-foot-1 na si Ford na pipilitin niyang ma­kabawi sa nasabing malamya niyang laro upang maitabla ang Lady Stags sa Lady Troopers sa Game Two bukas sa The Arena sa San Juan.

Si Ford ang siyang na­­ging kamador ng San Sebastian, ang 2008 second conference champion, mula sa kanyang pagiging leading scorer at spiker ng torneo.

Sa Final Four kung saan winalis ng Lady Stags ang Lady Sailors ng Philippine Navy, humataw si Ford, hinirang na Most Va­l­uable Player at Best Scorer ng average na league-leading 18.9-point norm.

Muli namang makakatuwang ni Ford si Thai reinforcement Jeng Bualee bukod pa kina Rubie de Leon, Joy Benito, Dahlia Robinos at Jennifer Manzano.

Ang San Sebastian ay nadepensahan sa net nina Mary Jean Balse at Rachel Ann Daquis na nagtumpok ng pinagsamang anim na block sa kabuuang 10 ng Army.

Maliban kina Balse at Daquis, muling ibabandera ng Lady Troopers ang magkapatid na sina Michelle at Marietta Carolnio, Joanne Bunag at Cristina Salak.

Para sa third place trophy, pipilitin naman ng Ateneo De Manila University na walisin ang Navy matapos angkinin ang Game One via 25-22, 23-25, 25-19, 14-255, 15-8 victory.

ANG SAN SEBASTIAN

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

BEST SCORER

CRISTINA SALAK

DAHLIA ROBINOS

GAME ONE

GAME TWO

JENG BUALEE

LADY STAGS

LADY TROOPERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with