MANILA, Philippines - Nakabawi ang Manila-Hobe Bihon mula sa magkasunod na kabiguan upang pabagsakin ang Duraville Realty, 93-71, sa pagpapatuloy ng 2011 MBL Corporate Cup basketball championship sa San Andres gym sa Malate, Manila.
Si dating PBA player Al Vergara ay nagpasiklab ng husto sa kanyang 20 puntos, kabilang na ang apat na three-point shots, upang pamunuan ang Manila-Hobe sa ikalawang panalo sa apat na laro sa eight-team, single-round tournament na itinataguyod ng Cebuana Lhuillier, Ironcon Builders, PRC Couriers and WG Diners.
Sina Edward Atunaga at Vladimir Igliane ay nag-ambag ng tig-15 puntos, si Marlan James Lim ay nagdagdag ng 11 at si Paul Almario ay may 10 para Manila-Hobe.
Ang dating St. Clare College standout na si Philip Roi Coronel ang nanguna para sa Duraville sa kanyang game-high 32 points.