Energen-Pilipinas wagi sa Malaysia
BANTING City, Malaysia - Hiniya ng Energen Pilipinas ang host Malaysia, 91-64 nitong Martes ng gabi at maningning na buksan ang kanilang kampanya sa first Southeast Asian Games Basketball Association Under-16 Championship sa Kuala Langat gym dito.
Pinangunahan ni Arvin Tolentino ang Nationals sa kanyang tinapos na 16 puntos at pitong rebounds.
Agad na iniwanan ng Filiponos ang Malaysians, 38-18 sa kaagahan ng labanan, pero gumamit ang host team ng full-court pressing defense na naging daan upang maibaba ang kalamangan ng Nationals sa 48-36 sa third period.
Pero agad ding nakabalik ang Nationals ng ilista ang 71-49 abante tungo sa kanilang panalo.
Sa isa pang laro, tinalo ng Indonesia ang Singapore, 101-68.
- Latest
- Trending