^

PSN Palaro

SSC Belles inagaw ang liderato

-

MANILA, Philippines - Inangkin ng San Sebas­tian College ang liderato matapos talunin ang Ateneo De Manila University, 24-26, 25-21, 25-16, 24-10, sa Shakey’s V-League Open Conference kaha­pon sa The Arena sa San Juan.

May 3-1 baraha nga­yon ang San Sebastian ka­sunod ang Philippine Army (2-0), Ateneo (2-2), Air Force (2-2), Navy (1-2), Maynilad (1-1) at Perpetual Help (0-4).

Humataw si American Lauren Ford ng isang 27-hit performance, tampok rito ang 23 kills para sa Lady Stags, habang may 22 attacks naman si Thai import Jang Baulee.

Ang atake ni Baulee sa dulo ng third set ang bumutas sa depensa ng Lady Eagles patungo sa kanilang tagumpay.

Nauna rito, nagpaka­tatag ang Phi­ip­pine Air Force sa fifth set upang makuha ang 15-25, 25-22, 25-17, 22-25, 15-9, panalo sa Perpetual Help.

Kumulekta ng 25 hits si Aiza Maizo kasama ang 22 attack points, habang si Cherry Rose Macatangay ay naghatid pa ng 18 para tulungan ang Air Force na makuha ang ikalawang sunod na panalo matapos buksan ang kampanya sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza.

 Ang larong Air Force at Perpetual ay mapapanood ngayong alas-2 ng hapon sa NBN-4 at sa GMA-7 international channels na GMA Pinoy TV, GMA Life TV at GMA News TV. (RC)

AIR FORCE

AIZA MAIZO

AMERICAN LAUREN FORD

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

CHERRY ROSE MACATANGAY

JANG BAULEE

LADY EAGLES

LADY STAGS

PERPETUAL HELP

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with