SGA, Thunder nakatakas sa Cavaliers

CLEVELAND— Bumira si Shai Gilgeous-Alexander ng season-high 43 points at isinalpak ang isang go-ahead three-pointer sa huling 32.6 segundo ng laro sa 117-112 pagtakas ng Oklahoma City Thunder sa Cavaliers.
Tumipa rin si Gilgeous-Alexander ng 11-of-12 shooting sa free-throw line sa pagbangon ng Oklahoma City (5-2) mula sa magkasunod na road losses.
Nagdagdag si Ajay Mitchell ng 20 points, habang humakot si center Isaiah Hartenstein ng 14 rebounds.
Pinamunuan nina rookie Meleek Thomas at Donovan Mitchell ang Cleveland (4-3) sa kanilang tig-17 points.
Walong beses nagtabla at walong ulit nag-agawan sa bentahe ang dalawang koponan sa fourth quarter bago isalpak ni SGA ang kanyang ikaapat na three-pointer sa huling 32.6 segundo para sa 117-110 abante ng Thunder.
Sa iba pang laro, pinalamig ng Los Angeles Lakers ang Miami Heat, 138-117; panalo ang Detroit Pistons sa Charlotte Hornets, 124-91; lusot ang Atlanta Hawks sa Indiana Pacers, 108-104; pinadapa ng New York Knicks ang Brooklyn Nets, 103-90; tinalo ng Washington Wizards ang Orlando Magic, 103-94; dinaig ng Philadelphia 76ers ang Chicago Bulls, 126-107; pinatumba ng Sacramento Kings ang Dallas Mavericks, 115-100; nakatakas ang New Orleans Pelicans sa Memphis Grizzlies sa overtime, 135-134; at nilapa ng Minnesota Timberwolves ang Milwaukee Bucks, 112-100.
- Latest
























