^

PSN Palaro

Eagles didiretso sa 6

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Sisikapin ng Ateneo at FEU na manatili ang agwat nila sa ibang katunggali sa pagpapatuloy ng 74th UAAP men’s basketball nga­yon sa Araneta Coliseum.

Ikaanim na sunod na panalo ang nakaumang sa Blue Eagles na haharapin ang lakas ng UST sa ikalawang laro na magsisimula matapos ang bakbakang Tamaraws at Maroons sa ala-1 ng hapon.

May pumapangalawang 4-1 karta ang tropa ni coach Bert Flores kasama ang tatlong sunod na panalo para malagay ang koponan na may mainit na streak sa liga.

Magtutulung-tulong uli sina RR Garcia, Aldrech Ramos, Terrence Romeo at Chris Tolomia, ang bida nang talunin ng koponan ang UST sa huling laban, 62-59, para mapanatili ang mainit na laro at maipalasap naman sa Maroons ang kanilang ikaapat na sunod na kabiguan matapos manalo sa opening day laban sa UE.

Tiyak naman na ipaparada uli ni coach Norman Black ang mahuhusay na sina Greg Slaughter, Kiefer Ravena, Nico Salva, Kirk Long at Emman Monfort laban sa Tigers na ipantatapat naman sina Jeric Teng, Jeric Fortuna, Karim Abdul, Chris Camus at rookie Ke­vin Ferrer.

Kailangan ng tropa ni coach Alfredo Jarencio ang panalo upang makuha uli ang winning record dahil kasalukuyan silang may 2-2 baraha na kinatampukan ng dalawang sunod na kabiguan.

Matapos manalo sa mga koponan ng NU (73-72) at UE (70-63) ay tumaob ang Tigers sa mga bi­gating koponan na Adam­son (71-81) at FEU (59-62) upang malagyan ng alinlangan ang kakayahan ng UST na maging palaban sa titulo sa taong ito.

ALDRECH RAMOS

ALFREDO JARENCIO

ARANETA COLISEUM

BERT FLORES

BLUE EAGLES

CHRIS CAMUS

CHRIS TOLOMIA

EMMAN MONFORT

GREG SLAUGHTER

JERIC FORTUNA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with