FEU-Diliman pakay ang quarterfinals spot sa SGVIL
MANILA, Philippines — Target ng Unbeaten Far Eastern University-Diliman ang isang quarterfinals seat sa pagharap sa National University Nazareth School sa 2025 Shakey’s Girls Volleyball Invitational League (SGVIL) Rising Stars Cup Division 1 ngayon sa La Salle Green Hills Gym.
Sa likod ni high-scoring winger Ifunanya Udeagbala ay winalis ng Lady Baby Tamaraws ang tatlo nilang laro sa Pool D.
Nagmula naman ang Lady Bullpups sa pagrereyna sa 65th Palarong Pambansa sa Ilocos Norte bilang kinatawan ng National Capital Region.
Una munang magtutuos ang Lyceum of the Philippines University at Naga College Foundation sa alas-9 ng umaga para sa five-game schedule sa Court 2 ng pinakamalaking grassroots volleyball league na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner at R and B Milk Tea.
Matapos ang laban sa FEU-Diliman sa umaga ay kaagad haharapin ng NUNS, ang reigning UAAP champion, ang St. John’s Institute-Bacolod (1-2) sa Court 1 sa hapon.
- Latest




















