5 dikit puntirya ng SBC vs EAC

MANILA, Philippines - Matapos mapahirapan, umaasa si San Beda coach Frankie Lim na maniniwala na ang kanyang alipores hindi basta-basta matatalo ang mga makakatunggali sa 87th NCAA men’s basketball.

“Ako lang ata ang na­niniwala na hindi madali ang laban sa ligang ito. They were playing with fire and we almost got burned,” wika ni Lim patungkol sa 79-78 katiting na panalo la­ban sa St. Benilde nitong Biyernes.

Kalaban ngayon ng Lions ang Emilio Aguinaldo College sa ganap na alas-2 ng hapon sa The Arena sa San Juan City at kung mananalo ay makakasalo uli sila sa pahingang San Sebastian sa 5-0 karta.

Isa sa nais niyang makitaan ng solidong laro ay si David Marcelo na naghahatid lamang ng 7.5 puntos, 9 rebounds at 2 blocks.

Sisikapin naman ng host University of Perpe­tual Help Dalta System na sakyan ang mahalagang unang panalo sa pag­bangga sa Blazers dakong alas-4 ng hapon.

Show comments