Knockout win ni Marquez balewala kay Pacquiao

MANILA, Philippines - Ang first-round knockout ni Juan Manuel Marquez kay Likar Ramos noong nakaraang Linggo ay hindi nakagitla kay Manny Pacquiao.

Sinasabi ng marami na mas maganda kung biga­ting boksingero ang hinarap ni Marquez kesa sa isang ‘fall guy’ mula sa Colombia.

Pinabagsak ni Marquez si Ramos sa 1:47 ng first round.

 “Hinipan lang eh,” sabi ni Pacquiao kamakalawa ng gabi ukol sa ginawang pagpapatulog ni Marquez kay Ramos. “Ganun lang ang ginawa.”

 Hiningi ang kanyang prediksyon para sa kani­l­­­ang pangatlong laban ni Marquez sa Nobyembre 12 sa Las Vegas. Subalit ayaw magbigay ni Pacquiao.

 “I prefer to be quiet,” wika ni Pacquiao. “Pabubugbog ko siya sa kaibigan ko. Kilala ninyo siya?.”

Natanong rin kay Pacquiao kung totoo ang mga balita na sinibak niya si Ca­nadian adviser Michael Koncz. Ngunit umiling lamang siya.

“Hindi totoo,” sabi ni Pacquiao.

Show comments