MANILA, Philippines - Ang ilang aspeto ng martial arts ay itatampok sa Sabado, Hulyo 23, sa pagdaraos ng Philippine Taekwondo Association ng 2011 SMART national poomsae championships sa Ninoy Aquino Stadium.
Humigit-kumulang sa 1,500 taekwondo athletes na kakatawan sa kanilang mga rehiyon at chapters ang inaasahang makikita sa aksyon simula sa alas-9 ng umaga.
Ang poomsae ay isang pre-arranged set ng mga kilos na magiging komplikado kung ang isa ay mapag-aaralan ito.
“It is a way of understanding and practicing every aspect of martial art’s basic techniques, breathing control, balance, coordination and concentration. The mind and body must work together in striving for a high technical level. That’s why it is said taekwondo is meaningless without poomsae,” sabi ni PTA vice president Sung Chon Hong.
Ang mga sasali sa 13 years and below (children), 14 hanggang 17 (juniors) at 18 and above ay isasalang sa limang events.
Ang mga ito ay ang individual standard, pair at team standard, team free style synchronized poomsae at creative poomsae.
Kabilang sa mga rehiyon at chapters na inaasahang lalahok sa isang araw na torneo na may ayuda mula sa SMART CommunicationsInc., Philippine Long Distance Tel. Co., Milo at Philippine Sports Commission ay ang National Capital Region, ARMM, CAR, CARAGA, Powerflex, Ateneo, San Sebastian College, UP, San Beda, DLSZ, More Than Medals Taekwondo Committee (KTC), Team Baguio, Pangasinan, UTA-Tigers, PNP at AFP.