^

PSN Palaro

11 torneo nakalinya sa Pinoy shooters

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Magiging abala ang Philippine National Shoo­ting Association (PNSA) sa susunod na limang buwan na tutugon sa paghahanap ng mga bagong shoo­ters para sa Pambansang koponan.

Papalo sa limang inter­national tournaments at anim na local events ang nakalinya simula sa buwan ng Agosto na magsi­simula sa isang 300m rifle event at mag­tatapos sa makasaysayang Philippine International Shotgun Open Championships sa Disyembre.

Ilalarga rin ang Philippine Collegiate Shooting Championships sa Setyembre, habang ang Philip­pine National Open ay nakatakda sa Oktubre na premyadong local events ng PNSA na hawak ng ba­gong pangulong si Dr. Mikee Romero.

Ang mga international events naman na sasalihan ay ang SEASA Rifle at Piston Tournament sa Laos sa Setyembre, ang Asian Airgun Championships sa Kuwait sa Oktubre, ang Asian Shotgun Championships sa Malaysia at 26th South East Asian Games sa Palembang, Indonesia sa Nobyembre.

“Gaya ng aking sinabi nang maupo ako bilang pangulo, isa sa nais kong gawin ay ang mapalakas ang pool ng shoo­ters at mangyayari lamang ito sa pamamagitan ng pag­daraos ng mga local tournaments at pagsali sa in­ternational events. May mga international hosting tayo at mag-iimbita ng mga dayuhan sa hanga­ring maimbitahan din ang ating mga shooters sa kanilang mga palaro,”wika ni Romero nang dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s UN Avenue kasama sina executive director Atty. Larry Paredes, VP Gay Corral at executive assistant Eric Arejola.

Ang pinakamalaking event ay ang Philippine International Shotgun Open dahil mga Olympians ang nakikitang sasali ni Romero dahil sa paglalagay ng $2,000 premyo sa mana­nalo sa trap at skeet events.

Sa kanilang plano, 20 bansa na kakatawanin ng tig-tatlong shooters ang isasali sa kompetisyong mula Disyembre 6 hanggang 14 at ito umano ang maglalagay sa Pilipinas sa mapa ng international shooting.

Mas darami ang torneong gagawin sa 2012 at lahat ng ito ay magka­karoon ng bunga kapag sumapit na ang 2016 Olym­pics.

ASIAN AIRGUN CHAMPIONSHIPS

ASIAN SHOTGUN CHAMPIONSHIPS

DISYEMBRE

ERIC AREJOLA

GAY CORRAL

LARRY PAREDES

MIKEE ROMERO

NATIONAL OPEN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with