B Meg humabol sa Semis
MANILA, Philippines - Tiyak na magiging mahimbing ang pagtulog ni Darnell Hinson sa eroplano sa kanyang pag-uwi sa United States.
Sa kanyang huling laro, nagtumpok si Hinson ng game-high 31 points para sa 111-89 panalo ng B-Meg Derby Ace laban sa sibak nang Air21 at angkinin ang pang anim at huling tiket para sa semifinal round ng 2011 PBA Governors Cup kagabi sa Araneta Coliseum.
Kasama ng B-Meg, may 4-4 baraha ngayon kasunod ang mga talsik nang Meralco (3-4), Powerade (2-4) at Air21 (0-7), sa semifinals ang Petron Blaze (5-2), Talk ‘N text (5-2), Barangay Ginebra (4-2), Rain or Shine (4-3) at Alaska (4-3).
Napuwersang umuwi si Hinson, naglista ng mga averages na 17.3 points, 7.3 rebounds at 4.0 assists per game sa kanyang tatlong laro para sa Llamados, dahil sa nakatakdang child custody hearing na inilatag ng kanyang dating asawa.
“I am leaving. There are family problems at home,” sabi ni Hinson. “I’m tryin to come out and play hard from the beginning.”
Sa biglaang pag-uwi ni Hinson, ipaparada ng B-Meg si Myron Allen, naglaro sa Arkansas Rimrockers sa NBA D-League.
“We’ve spoken to Allen and Alvin (Patrimonio) has spoken to him,” wika ni coach Jorge Gallent sa pakikipag-usap ni Patrimonio, ang team manager ng Llamados kay Allen. “A lot of agents are representing him. If he’s gonna come or not depends on Darnell if he will come back.”
Ipinoste ng Llamados ang isang 25-point advantage, 99-74, sa 8:13 ng final canto at hindi na nilingon pa ang Express. (RC)
B Meg 111 - Hinson 31, De Vance 23, J. Yap 15, Simon 12, Pingris 11, Reavis 8, R. Yap 8, Fernandez 3, Gaco 0, Escobal 0, Adducul 0.
Air21 89 - Bangura 20, Canaleta 18, Najorda 12, Sharma 12, Arboleda 7, Avenido 6, Salvador 5, Hontiveros 5, Espiritu 3, Artadi 1, Cabahug 0, Urbiztondo 0.
Quarterscores - 26-25, 57-45, 89-72, 111-89.
- Latest
- Trending