MANILA, Philippines - Mariing pinabulaanan ng apat na miyembro ng Philippine Azkals ang kumakalat na ulat na sangkot sila sa panggagahasa sa isang babae sa bahay mismo ni team manager Dan Palami.
Ang mga inakusahan sa tabloid report ng nagngangalang Paul Weiler ay sina Neil Etheridge, Anton del Rosario, Simon Greatwich at Jason Sabio.
“I've heard a lot of rumors and speculations, that this person (Weiler) is trying to get back at the team because we had a fallout while we were in Germany,” sabi ni Sabio sa panayam ng ABS-CBN. "I don't know the full story, they’re all just rumors.”
Iniimbestigahan naman ng Azkals management at ng Philippine Football Federation (PFF) ang naturang ulat.
Ikinagalit ni Greatwich ang naturang tsismis kaugnay sa kanilang apat nina Etheridge, del Rosario at Sabio.
“We have a big game ahead of us and these distractions are not helping,” ani Greatwich sa laro ng Azkals laban sa Kuwait sa second round ng 2014 FIFA World Cup Asian qualifying stage.
“We're trying to focus on the game ahead of us and that’s what’s more important than anything else,” wika naman ni del Rosario.