Gin Kings pinulutan ang B-Meg Llamados

MANILA, Philippines - Sa ikalawang sunod na pagkakataon, muling na­nood mula sa bench si import Curtis Stinson dahil sa kan­yang right knee injury.

At muli ring nanalo ang Gin Kings.

Tinalo ng Barangay Ginebra ang B-Meg Derby Ace, 89-85, para makasalo sa ikalawang posisyon sa eli­mination round ng 2011 PBA Governors Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Nagtala si Mark Caguioa ng 19 points, 6 assists at 5 rebounds para sa Gin Kings, nasa isang two-game winning streak ngayon kasabay ng paghulog sa Llamados sa ikalawang dikit nitong kamalasan.

May 4-2 baraha ngayon ang Ginebra katabla ang Talk 'N Text (4-2) at Rain or Shine (4-2) sa ilalim ng se­mifinalist Petron Blaze (5-2) kasunod ang Meralco (3-3), Alaska (3-3), B-Meg (3-4), Powerade (2-4) at Air21 (0-6).

Bago ito, nanggaling ang Gin Kings sa 89-87 pa­na­lo sa Express noong Hulyo 8, habang nakatikim ang Lla­mados ng isang 84-87 kabiguan sa Boosters no­­ong Hul­yo 6.

“Everyone is chipping in, everyone is stepping up without our import (Stinson), without Willie (Miller), without JC (Intal),” ani Caguioa.

Tumipa si Ronald Tubid ng 20 points.

Ginebra 89 - Tubid 20, Caguioa 19, Menk 14, Wilson W. 12, Mamaril 11, Helterbrand 7, Cortez 4, De Ocampo 2, Labagala 0, Wilson J. 0.

B-Meg 85 - Hinson 21, Yap J. 14, Simon 14, Ping­ris 11, Devance 8, Reavis 6, Yap R. 6, Fernandez 3, Gaco 2, Escobal 0, Allado 0.

Quarterscores: 21-30, 41-45, 67-66, 89-85.

Show comments