Venus lusot sa Japanese netter
WIMBLEDON, England - Matapos ang 15 na taon na paglalaro sa All England Club, alam na ni Venus Williams kung paano manalo sa isang krusyal na laban.
Bagamat naglalaro sa kanyang unang torneo matapos ang isang five-month layoff bunga ng isang hip injury, umiskor pa rin ang 31-anyos na si Williams ng isang 6-7 (6), 6-3, 8-6 panalo laban sa 40-anyos na Japanese player na si Kimiko Date-Krumm patungo sa third round.
Hangad ni Williams ang kanyang pang anim na Wimbledon title.
“In terms of feeling age, I definitely feel the experience of it all, and I think that’s huge for me,” wika ni Williams sa kanyang tagumpay kay Date-Krumm.
Naiwanan si Williams sa first set, 5-1, bago siya tapusin ni Date-Krumm sa loob ng 65 minuto sa naturang yugto.
Sa kabuuan, winakasan ni Williams ang kanilang laro ni Date-Krumm sa loob ng dalawang oras at 56 minuto kumpara sa kanyang 59 minutong panalo kay Akgul Amanmuradova sa first round.
Sa men’s division, tinalo ni defending champion Rafael Nadal si Ryan Sweeting, 6-3, 6-2, 6-4.
- Latest
- Trending