^

PSN Palaro

Sharapova tinalo si Chakvetadze sa Wimby

-

LONDON - Aminado ang dating kampeon na si Maria Sharapova na ang pagkopo ng kanyang ikalawang Wimbledon title ang siyang perpektong daan upang mabura ang masakit na alaala ng kanyang mga injury.

Nangapa si Sharapova sa kanyang mga sinalihang tournament dahil sa kanyang mga injury sa na­kalipas na dalawang taon na naging daan upang lumagapak ang kanyang ranking at nagsulputan ang maraming katanungan hinggil sa kanyang abilidad kung makakapagpatuloy pa siyang lumahok sa mga sport’s top prizes.

Subalit taglay ng 24-an­­yos ang matinding pagnanasa na maibalik ang kanyang dating porma at matabunan ng Russian ang kanyang mga proble­ma sa kanyang injury.

At nitong Martes, nagbabanta si Sharapova, na­pagwagian ang kanyang unang Wimbledon noong siya ay 17-anyos noong 20­04, at umangat sa No. 6 sa world ran­kings matapos makarating sa French Open semifinals, na matupad ang kanyang inaasam na ikalawang titulo matapos na talunin ang kapwa Russian na si Anna Chakvetadze, 6-2, 6-1.

Matagumpay naman na sini­mulan ni Serena Williams ang kanyang pagdepensa sa hawak na korona matapos igupo si Aravane Rezai, 6-3, 3-6, 6-1.

Sa iba pang laro, umu­sad rin sa susunod na round ang French Open champion at third-seeded na si Li Na ng China matapos kalusin si Alla Kudryavtseva, 6-3, 6-3, napatalsik naman ang No. 10 na si Samantha Stosur ni Melinda Czink ng Hungary--ang lowest ranked woman sa draw na No. 262, 6-3, 6-4.

Kabilang din sa mga nagsipanalo sina No. 4 Vic­toria Azarenka, No. 8 Petra Kvitova at No. 11 Andrea Petrokovic.

ALLA KUDRYAVTSEVA

ANDREA PETROKOVIC

ANNA CHAKVETADZE

ARAVANE REZAI

FRENCH OPEN

KANYANG

LI NA

MARIA SHARAPOVA

MELINDA CZINK

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with