^

PSN Palaro

Cardinals twice-to-beat sa play-in

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinapos ng Mapua University ang kanilang kamalasan matapos nilang payukuin ang Lyceum of the Philippines University, 71-68, sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament na nilaro sa PhilSports Arena sa Pasig City kahapon.

Sinandalan ng Cardinals ang matikas na laro ni Kyle Timbol na nagtala ng 20 points at tatlong rebounds para kalsuhan ang three-game skid nila at ilista ang 7-6 karta.

Nasa pang-apat na puwesto sa Group A ng team standings ang Mapua, ta­ngan nila ang twice-to-beat advantage sa play-in sa Huwebes kung saan ay makakaharap nila ang  Lyceum.

Nalasap ng Pirates ang pang-apat na sunod na kabiguan, at nasa hulihan sila ng standings sa Group A pasan ang 4-9 baraha.

Malakas na sinimulan ng Cardinals ang laro para isara ang halftime hawak ang 43-37 lead.

Hindi naman nagpabaya ang Cardinals sa second half, at kahit bumaba sa limang puntos ang kanilang abante sa third,  57-52 ay naalagaan naman nila ito sa payoff period upang makuha ang panalo na para sa kanila ay magbibigay ng momentum sa play-in.

Kumana rin si Jamal Diaz ng 13 points para sa Mapua.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with