^

PSN Palaro

PBA ibubuhos ang suporta sa kampanya ni Alcala para sa Olympics

-

MANILA, Philippines - Susuportahan ng Philip­pine Badminton Association ang tangkang makalaro sa London Olympics ni Malvinne Alcala.

Mismong ang Bise Pre­sidente ng bansa na si Jejomar Binay ang naghayag nito sa paniniwalang ang 16-anyos na si Alcala ang tu­nay na may potensyal sa kasalukuyang manlalaro na makapasok sa London Games sa susunod na taon.

“She’s our most promising athlete in badminton, let us give her the assistance she need to be able to reach that goal,” wika ni Binay.

Si Alcala ang nagkam­peon sa Singapore at Aus­tralian Juniors at lalaro siya sa Asia U-19 Juniors Championships mula Hul­yo 2 hanggang 9 sa India.

Makakasama ni Alcala, nagkampeon din sa se­cond leg ng PBaRS circuit sa Bacolod, sa torneo si Jo­per Escueta at sila ay sasagutin ng Badminton Asia Confederation sa pamamagitan ng Asian Development Team.

Kasabay nito ay iikot ang pamunuan ng PBA sa mga member-clubs para kumuha ng suporta sa mga plano kasama ang pagsasagawa ng mga torneo.

“Visiting them perso­nally will give us insights on their plans and concerns and that will help us determine the appropriate assistance that we could extend to them,” dagdag pa ni Binay.

Makakasama niya sa pag-ikot sina PBA chairman Manny V. Pangilinan at secretary-general Rep Albee Benitez.

Plano rin ng PBA na pa­lakihin ang kasalukuyang pool na 20 tungo sa 30 at hahatin sila sa Team A na bubuuin ng national players at Team B na kabibilangan ng developmental pool at junior players.

ALCALA

ASIA U

ASIAN DEVELOPMENT TEAM

BADMINTON ASIA CONFEDERATION

BADMINTON ASSOCIATION

BINAY

BISE PRE

JEJOMAR BINAY

JUNIORS CHAMPIONSHIPS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with