^

PSN Palaro

Cebuana vs NLEX

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Hawakan ang mahalagang 1-0 kalamangan ang pag-aagawan ng Cebuana Lhuillier at NLEX sa pagsisimula ng PBA D-League Foundation Cup ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Tiyak na magiging ma­­higpitan at mainitan ang labanan ng Gems at Road Warriors na itinakda ganap na alas-3 ng hapon dahil ang mananalo rito ay maihahakbang ang isang paa sa puntiryang titulo dahil sa maigsing best-of- three series lamang ang seryeng ito.

Parehong nagpahayag sina coaches Luigi Trillo ng Gems at Boyet Fernandez ng Road Warriors ng hindi pa tapos ang kani­lang misyon dahil pakay nila na mailuklok bilang kauna-unahang kampeon ng liga.

“There still is a job to be done. We can’t underachieve and be happy by just making the Finals,” wika ni Trillo.

“Three-fourths of our job is done. Pero hindi pa kami tapos,” tugon naman ni Fernandez.

Ang dalawang koponan na paborito sa pre-season ay nagdomina mula sa classification round nang mapangunahan ng NLEX at Cebuana Lhuillier ang Group A at B sa classification round upang diretsong makaabante sa quarterfinals.

Nakapasok ang Gems sa Finals nang kalusin ang lumabas na dark horse na PC Gilmore sa iskor na 83-55, habang ang Road Warriors ay nanaig sa hamon ng Max! Bond Super Glue, 74-61, na nilaro noong na­karaang Huwebes.

Parehong may shooters at malalaking manlalaro na kayang makapagdomina sa ilalim ang magkabilang koponan kaya’t sa execution inaasahang magkaka­talo ang mga nabanggit na teams.

“They have their strength, we have ours. It’s going to be an interesting series,” ani pa ni Trillo.

Kakamada sa Gems ay sina Narciso Llagas, Allein Maliksi, Kevin Alas, Benedict Fernandez at Ja­mes Sena habang sina Calvin Abueva, Eric Sala­mat, Rogemar Menor, Ro­nald Pascual at bagong pasok na si JayR Taganas ang mga ilalaban ng Road Warriors.

Ang mananalo ay ma­aaring hirangin na kam­peon ng liga sa Game Two na itinakda sa Huwebes sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

 Ang Game Three kung kinakailangan ay itinakda naman sa Hunyo 21 sa Ynares din.

vuukle comment

ALLEIN MALIKSI

ANG GAME THREE

BENEDICT FERNANDEZ

BOND SUPER GLUE

BOYET FERNANDEZ

CALVIN ABUEVA

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

ROAD WARRIORS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with