POC, PSC at DepEd magsasanib puwersa, grassroots development program palalakasin
MANILA, Philippines - Mula sa matagumpay na pagdaraos ng Philippine National Games, makikipag-isa ang Philippine Olympic Committee at ang Philippine Sports Commission sa Department of Education upang pagsamahin ang kanilang mga grassroots development program.
Kailangan silang umupo para talakayin ang pag-iisa ng Batang Pinoy, Palarong Pambansa at ng katatapos na PNG na idinaos sa Bacolod City na tutulong sa POC na makadiskubre ng mga potential athletes para sa national team.
Ang Olympic body, kasama ang government agency, ay nakatakdang makipagkita sa mga pangunahing DepEd officials.
Sinabi ni POC president Jose ``Peping’’ Cojuangco Jr. na ang kanyang pagpupursige at solidong tambalan ng POC at PSC ang humikayat sa private sector na sumama sa kanilang misyon kasama ang Summit Natural Drinking Water na isang solid supporter.
“The partnership between POC and Summit Natural Drinking Water is relevant for our athletes. It is important that we are assured that our athletes have access to clean drinking water,’’ wika ni Cojuangco.
Ang official bottled water ng POC, ang Summit Natural Drinking Water ang tumutugon sa hydration needs ng mga atleta upang masustina ang kanilang physical and mental edge.
“We support our athletes because we believe in their potential, not just to inspire our fellow Filipinos but also the international community as well,’’ wika ni Eli Malicdem, ang Summit Natural Drinking Water brand assistant manager.
“We believe we can help athletes hone their skills, especially now that there’s a strong partnership between POC and PSC. The PNG is an important step that we take part of to accompany the athletes in their journey to aspire, perspire, and inspire,’’ dagdag ni Malicdem.
Sakaling mabuo ang pag-iisa ng POC, PSC at DepEd, sinabi ni PSC chairman Ritchie Garcia na ang Batang Pinoy ang pagmumulan ng mga atletang maglalaro sa Palaro kasunod ang PNG.
Ang Batang Pinoy, isang talent search program para sa mga atletang may edad 12-anyos pababa, at ang PNG, bukas sa lahat ng national team aspirants at elite athletes, ay inorganisa ng POC at ng PSC.
- Latest
- Trending






















