^

PSN Palaro

QC 'di mapigil sa pananalasa

-

MANILA, Philippines - Napanatili ng Quezon City ang kanilang malinis na kartada, habang pinalakas naman ng Taguig ang kanilang kampanya para sa playoffs kung saan patungo na sa krusyal stage ang inter-zonal phase ng 2nd Coca-Cola Hoopla National Capital Region Championship nitong Sabado.

Hiniya ng QC ang Man­daluyong, 99-90 sa Mandaluyong City gym, habang giniba naman ng Taguig ang Caloocan, 75-71 sa C.P. Tinga Gym sa Taguig.

Mula sa 77-76 pagka­kalapit ng iskor, nagpasa­bog ang Quezon City, ilang beses lumayo ng 10 puntos, nang 9-2 run upang tuluyang iwanan ang kalaban.

“We had to labor to get this one,” ani QC coach Rene Baena.“Manda­lu­yong gave us a lot of prob­lem.”

Kailangan na lamang ng Quezon City na talunin ang pumapangalawang Antipolo sa final day ng se­mis upang pormal na makopo ang No. 1 spot at twice-to-beat advantage sa playoff.

At sa nalalabi nilang isang laro bago ang playoffs, pinangunahan ng Quezon City ang limang koponan sa semis taglay ang malinis na 3-0 win-loss slate, sumunod ang Antipolo (2-1), Mandaluyong at Taguig (1-2) at Caloocan 1-3.

CALOOCAN

COCA-COLA HOOPLA NATIONAL CAPITAL REGION CHAMPIONSHIP

HINIYA

KAILANGAN

MANDALUYONG CITY

QUEZON CITY

RENE BAENA

SHY

TAGUIG

TINGA GYM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with