^

PSN Palaro

Marquez mabigat na kalaban-Roach

- Ni RC -

MANILA, Philippines - Aminado si trainer Fred­die Roach na sa na­karaang 16 laban ni Manny Pac­quiao, tanging si Juan Ma­nuel Marquez lamang ang nakapagbigay ng magandang laban sa Filipino world eight-division champion.

“When Manny fought Marquez before, he only got one hand with him the left straight, and he only knew one direction, which is to go forward,” ani Roach.

Ito ang pangatlong pagkakataon na magtatagpo sina Pacquiao at Marquez matapos noong 2004 at 2008.

Sa kabila ng tatlong be­ses na pagbagsak sa first round, isang draw ang naitakas ni Marquez sa kanilang unang pagtatagpo ni Pacquiao noong Mayo ng 2004.

 Isang split decision naman ang nasikwat ni Pacquiao sa kanilang rematch noong Hunyo ng 2008 para agawin kay Marquez ang hawak nitong World Boxing Council (WBC) super featherweight crown.

Sa napagkasun­duang catchweight fight sa 144-pounds, idedepensa ng 32-anyos na si Pac­quiao ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) welterweight crown laban sa 38-anyos na si Marquez sa Nobyembre 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Ayon kay Roach, kakayanin ni Pacquiao ang pag-akyat ng timbang.

AMINADO

JUAN MA

LAS VEGAS

MANNY PAC

MARQUEZ

PACQUIAO

SHY

WHEN MANNY

WORLD BOXING COUNCIL

WORLD BOXING ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with