^

PSN Palaro

MAVS Bumangon Sa Game 3

-

OKLAHOMA CITY - Na­kabawi ang Dallas Ma­vericks mula sa isang na­pipin­tong pagkulapso sa fourth quarter upang talunin ang Oklahoma City Thunder, 93-87, sa Game 3 at kunin ang 2-1 lead sa Western Conference finals.

Si Dirk Nowitzki ang na­ging susi ng Mavericks sa paggupo sa Thunder, nakabangon buhat sa isang 23-point deficit, mula sa kanyang isinalpak na key jumpers sa fourth quarter.

Naimintis ng German ang 10 sa kanyang unang 14 shots.

Tumapos si Nowitzki na may 18 points mula sa kanyang masamang 7 for 21 shooting.

“We didn’t really have a lot going in the second half offensively, so I’ve got to keep attacking for this team like I have for the last 13 years,” sabi ni Nowitzki. “This team needs me to score and to keep being aggressive.”

Sinabi ni coach Rick Car­lisle na si Nowitzki ang siya pa rin nilang aasahan sa gitna ng paghahabol ng Oklahoma City.

Malamya rin ang ipinakita ni NBA scoring champion Kevin Durant pa­ra sa Thunder sa kanyang 7 of 22 shooting para magtala ng 24 points at 12 rebounds.

Pinangunahan ni Russell Westbrook, naging instrumento sa pagbangon ng Oklahoma City sa fourth quarter, sa kanyang 30 points.

Tumalbog ang mga three-point shots nina Westbrook at Daequan Cook na nagdikit sana sa Thunder sa tatlong puntos kasunod ang jumper ni Westbrook, 86-78 sa huling 1:42 ng labanan.

Nagdagdag pa si No­witz­ki ng isang jumper upang ilayo ang Dallas.

Nag-ambag si Shawn Marion ng 18 points para sa Mavericks sa itaas ng tig-13 nina Jason Kidd at Terry Tyson Chandler, humakot ng 15 rebounds para sa nasabing panalo.

DAEQUAN COOK

DALLAS MA

JASON KIDD

KEVIN DURANT

NOWITZKI

OKLAHOMA CITY

OKLAHOMA CITY THUNDER

RICK CAR

RUSSELL WESTBROOK

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with